2024 Municipal Election Guide sa Tagalog
Basahin sa Ingles dito o Espanyol dito.
Ang mga botante ng Unalaska ay pupunta sa botohan sa ika-1 ng Oktubre upang maghalal ang dalawang miyembro ng Konseho ng Lungsod at isang miyembro ng lupon ng paaralan. Nagtipon kami ng mga impormasyon para magamit ng mga botante bilang isang gabay hanggang sa araw ng halalan. Ang mga biograpiya ng kandidato, impormasyon sa pagboto at mga detalye tungkol sa paparating na forum ay matatagpuan sa ibaba.
Kilalanin ang mga kandidato sa Forum ng Kandidato ng KUCB
Ang KUCB ay nagho-host ng hiwalay na forum para sa Konseho ng Lungsod at lupon ng paaralan. Sa mga forum, sasagutin ng mga kandidato ang iyong mga katanungan bago ang halalan. Ano ang nais mong marinig mula sa mga kandidato ngayong taon? Mangyaring ibahagi ang iyong mga katanungan at ang mga mahahalagang paksa na nais mong makita na talakayin gamit ang link sa survey na ito.
Ang forum ng KONSEHO NG LUNGSOD ay sa Miyerkules, Setyembre 25, alas sais (6:00) ng gabi, inaanyayahan kang dumalo nang personal sa City Hall o maaari kang makinig nang live sa 89.7 FM at sa KUCB.org.
Ang forum ng LUPON NG PAARALAN ay sa Huwebes, Setyembre 26 ng tanghali. Maaari kang makinig nang live sa 89.7 FM at sa KUCB.org.
Ipapalabas muli ng KUCB ang mga forum sa Biyernes, Setyembre 27 sa tanghali at Sabado, Setyembre 28 sa alas kwatro (4:00) ng gabi sa lokal na radyo at Channel 8 TV. Ang mga forum ay matatagpuan at mapapanood din sa aming website dito at dito.
Pagboto
Magbubukas ang eleksyon sa Martes, ika-1 ng Oktubre, simula alas otso (8:00) ng umaga hanggang alas otso (8:00) ng gabi sa City Hall. Maaring bumoto ng maaga o absentee voting nang personal sa City Hall mula Setyembre 11 hanggang Setyembre 30, Lunes hanggang Biyernes mula alas otso (8:00) ng umaga hanggang alas singko (5:00) ng hapon.
Maaari ka ring bumoto sa pamamagitan ng liham o koreo kung mag-apply ka sa loob ng Setyembre 26, o sa pamamagitan ng email o fax kung mag-apply ka hanggang sa tanghali ng Setyembre 30.
Kung hindi ka makapunta ng personal, dahil sa karamdaman o kapansanan, maaari kang magtalaga ng kinatawan upang kumuha ng balota.
Para sa karagdagang impormasyon sa pagboto, tumawag sa City Clerk sa 907-581-1251.

Candidate Statements for School Board Seat A
Candidate statements for City Council Seat G
Candidate Statements for City Council Seat F