Winter in Unalaska by Sam Zmolek
Your voice in the Aleutians.
Play Live Radio
Next Up:
0:00
0:00
0:00 0:00
Available On Air Stations
Our Candidates Forum is coming soon: What do YOU want to hear from candidates this year?

Ballot Questions [sa Tagalog]

Boboto ang mga Unalaskan sa tatlong panukalang-batas sa balota. Ang unang dalawang tanong sa balota ay may kinalaman sa kung gaano karaming kapangyarihan mayroon ang lungsod sa panahon ng isang epidemya.

Tanong 1 sa Balota

Lilimitahan ng panukalang-batas na ito kung gaano karaming kapangyarihan mayroon ang Tagapamahala ng Lungsod (City Manager) at Konseho ng Lungsod (City Council) sa panahon ng isang epidemya. Kung makapasa ang Tanong 1 sa Balota, hindi makakapagpataw ang lungsod ng ilang partikular na lokal na paghihigpit, tulad ng mga pinag-utos sa panahon ng pandemya ng COVID-19. Ang mga bagay tulad ng mga pangangailangan ng mask o paglilimita sa bilang ng tao sa mga bar at restaurant ay mangangailangan ng kautusan ng korte. Sinasabi ng mga tagasuporta na desisyon ng isang indibidwal kung gusto nilang gumawa ng mga hakbang sa pag-iingat, tulad ng paghihiwalay ng sarili o pagsusuot ng mask, at hindi dapat magkaroon ang pamahalaang lungsod ng kapangyarihang ipataw ang mga mandatong iyon. Sinasabi ng mga sumasalungat na nakakapagligtas ng buhay ang mga mandato, at dapat magawa ng lungsod na mag-atas ng mga pag-iingat para sa kaligtasan ng publiko. Ang pagboto ng “Oo” ay nangangahulugang gusto mong limitahan ang kakayahan ng lungsod na gawin ang mga bagay tulad ng pag-require ng mga mask sa panahon ng isang epidemya Ang “Hindi” ay isang boto para panatilihin sa dati ang mga bagay-bagay.

Tanong 2 sa Balota

Ang pangalawang tanong sa balota ay halos kapareho ng Tanong sa Balota 1, ngunit lilimitahan nito ang kapangyarihan ng Direktor ng Kahandaan sa Emergency — siya ang nagkokoordina ng pagtugon ng lungsod kapag naideklara ang isang emergency. Kung makapasa ang panukalang-batas, ang direktor ay mangangailangan ng kautusan ng korte para magpalabas ng ilang partikular na mandato sa panahon ng isang epidemya.

Sinasabi ng mga tagasuporta na ang panukalang-batas na ito ay pipigilan ang lungsod sa paglabag sa mga karapatan ng mga Unalaskan nang walang kautusan ng korte.

Sinasabi ng mga sumasalungat na mahalagang magkaroon ng malakas at sentralisadong tugon para matiyak ang kaligtasan ng mga Unalaskan sa panahon ng isang epidemya, at nasa loob ng kapasidad ng direktor na ikoordina ang naturang tugon.

Ang pagboto ng “Oo” ay nangangahulugang sinusuportahan mo ang pagtatakda ng mga limitasyon sa Direktor ng Kahandaan sa Emergency.

Ang “Hindi” ay isang boto para payagan ang direktor na ipagpatuloy ang pagkokoordina sa pagtugon sa emergency ng lungsod.

Tanong 3 sa Balota

Tinatanong ng ikatlong tanong kung dapat bang itaas ng Lungsod ng Unalaska ang sales tax nito mula 3% papuntang 4.5% para balansehin ang tumataas na mga gastos sa utility. Gagawa ito ng pondo para pababain ang mga bill ng ratepayer.

Inaprubahan kamakailan ng Konseho ng Lungsod ang mga pagtaas ng rate para sa mga utility tulad ng tubig at kuryente. Ang panukalang-batas na ito ay gagawa ng pondo na nilalayong pababain ang mataas na rate na binabayaran ng mga Unalaskan para sa mga utility. Ang pondong iyon ay babayaran ng pinataas na sales tax.

Ang ideya ay hindi lamang mga residente ng Unalaska ang nagbabayad ng sales tax. Nakakakuha tayo ng maraming hindi residente (sa pamamagitan ng industriya at turismo) na pumupunta rito, gumagastos ng pera sa mga lugar tulad ng Safeway, at umaalis. Sa pamamagitan ng pagpapataas sa sales tax, lilikha ito ng mas maraming kita para sa lungsod, na gagamitin naman nito para balansehin ang mga rate ng utility para sa mga residente.

Sinasabi ng mga tagapagtaguyod na pabababain ng bagong sales tax ang gastos sa pamumuhay para sa mga ratepayer sa Unalaska sa pamamagitan ng pagpapakalat ng pasanin sa mga hindi residente.

Sinasabi ng mga sumasalungat na maaari itong lumikha ng hindi patas na sistema kung saan ang mga taong hindi gumagamit ng mga utility ay kakailanganing magbayad para balansehin ang mga bill para sa mga taong gumagamit nito; kung gumagamit ka ng mas maraming utility, ikaw dapat ang siyang magbayad para sa mga ito.

Ang “Oo” ay isang boto para itaas ang sales tax at gumawa ng pondo para balansehin ang mataas na presyo ng mga utility.

Ang “Hindi” ay isang boto para panatilihin ang sales tax sa kasalukuyang rate nito na 3%.

2021 KUCB Voter Guide