Winter in Unalaska by Sam Zmolek
Your voice in the Aleutians.
Play Live Radio
Next Up:
0:00
0:00
0:00 0:00
Available On Air Stations
Our Candidates Forum is coming soon: What do YOU want to hear from candidates this year?

School Board Seat A: Kerry Mahoney [sa Tagalog]

Kerry Mahoney, candidate for school board seat A
Kerry Mahoney, candidate for school board seat A

Ako si Kerry Mahoney, at tumatakbo ako para sa seat A ng Lupong Pampaaralan. Kami ng asawa kong si Tim ay lumipat dito mula sa Oregon 27 taon na ang nakakaraan, at napakasaya namin na ginawa namin itong aming tahanan.

Lumaki akong hinahangaan at pinapanood ang aking nanay na magpuyat sa paggagrado ng mga test at paper sa aming hapag-kainan. Ang pagkakaroon ng nanay na isang guro ng Ingles sa high school ay isang malinaw na kalamangan sa akin. Lumaki ako sa isang tahanan kung saan lubos na pinahahalagahan ang edukasyon, kasama ng mga magulang na interesado at kasangkot sa edukasyong natatanggap ko. Bilang isang magulang, ipinagpatuloy kong itanim sa isip ang halaga ng edukasyon sa sarili kong mga anak. Ang pag-aaral ay naging pampalipas oras ng pamilya sa aming tahanan. Mapalad akong maturuan sa bahay ang aming apat na anak at ako mismo ay naglaan ng hindi mabilang na mga oras sa hapag-kainan sa paggawa ng mga lesson plan, pananaliksik ng kurikulum, at pagdedesisyon kung paano pinakamahusay na maipapatupad ang mga ideya at maisasama ang mga paksa.

Pagkatapos ng maraming taon ng istriktong home-schooling, nagdesisyon kaming gawin ang transisyon tungo sa pampublikong paaralan sa mga taon sa high school. Hindi kami nadismaya sa desisyong ito. Ikinalulugod ko ang positibong daloy ng komunikasyon na nagkaroon ako sa administrasyon kapag kinakailangan ko ng tulong o suporta.

Bilang miyembro ng lupong pampaaralan, alam kong marami akong maihahapag sa mesa, at kinikilala ko na maraming dapat matutunan. Pag-aaral ang pangunahing salita rito. Masigasig ako sa pagtulong sa mga pamilya, mag-aaral, at tauhan na umunlad sa isang kapaligiran kung saan priyoridad ang pag-aaral.

Statements were submitted by candidates and translated from English into Tagalog by a translation service.

2021 KUCB Voter Guide