Tumira ako sa Alaska sa karamihan ng aking buhay. Lumaki ako sa nag-iisang native reserve ng ating estado, ang Metlakatla. Nagtrabaho ako para sa ILWU nang 16 na taon, sa Unisea nang pana-panahon, at pati na rin sa iilang lokal na bar. Noong mas bata pa ang kambal ko, co-leader ako ng Girl Scout troup 109, at iyon ang ilan sa mga pinakamasayang panahon ng aking buhay. Pumasok ang 3 anak ko sa UCSD simula sa umpisa. Nagtapos ang kambal ko sa Unalaska High School noong 2020, sa panahon ng pagsisimula ng mga lockdown sa buong estado, at kapwa kasalukuyang pumapasok sa mga PAC-12 na paaralan. Freshman sa high school ang anak kong lalaki. Nakatira din ako rito kasama ng fiance ko at kanyang 2 anak na lalaki.
Tumatakbo ako para sa seat E ng lupong pampaaralan dahil pakiramdam ko ay kailangan ng higit pang representasyon ng mga magulang sa paaralan at gusto kong mas maabisuhan ang mga magulang tungkol sa kung ano ang itinuturo sa kanilang mga anak at kung ano ang nangyayari. Gayundin, tingin ko ay maliit naman ang ating bayan kaya puwede nating isaalang-alang ang mga pangangailan ng bawat bata kapag gumagawa ng matitinding desisyon tungkol sa kung paano sumulong sa mga sitwasyon katulad ng pagiging remote ng nagdaang 2 taon ng eskuwela.
Syempre, pinupuri ko ang mga guro at kawani ng paaralan para sa kanilang mga pagsisikap, kamangha-mangha ang kanilang naging trabaho sa kabila ng lahat ng kaguluhan at gusto kong mas makatulong sakaling may mangyari ulit. Pagkatapos makita ang kanilang ginawang trabaho para matulungan ang ating mga anak na patuloy na makuha ang kanilang edukasyon, binigyang-inspirasyon ako nito na tumakbo para sa lupong pampaaralan, para maging bahagi ako ng solusyon sa halip na magsalita lang tungkol dito.
Salamat sa paglalaan ng oras na basahin ito at pinahahalagahan ko ang inyong suporta sa mga paparating na eleksyon.
Statements were submitted by candidates and translated from English into Tagalog by a translation service.