Winter in Unalaska by Sam Zmolek
Your voice in the Aleutians.
Play Live Radio
Next Up:
0:00
0:00
0:00 0:00
Available On Air Stations
Our Candidates Forum is coming soon: What do YOU want to hear from candidates this year?

Shari Coleman [sa Tagalog]

Shari Coleman, candidate for City Council seat G
Courtesy of Shari Coleman
Shari Coleman, candidate for City Council seat G

Ipinanganak at lumaki ako sa isang maliit na bayan sa Texas sa isang mapagmahal na pamilya na nagturo sa akin na maging mabuti sa iyong kapitbahay at mabait sa iyong aso. Nakakuha ako ng degree na Batsilyer ng Agham mula sa Texas A&M University sa Pamamahala ng Pangisdaan (Fisheries Management), at pati na rin ng sertipikasyon sa Edukasyong Sekundarya. Pagkatapos ng maikling stint bilang guro sa high school, nagdesisyon akong i-explore ang buhay sa labas ng Texas, lumipat ako sa Colorado at Washington bago manirahan sa Alaska. Tinawag ko ang Unalaska na aking tahanan mula noong 1998.

Nagtrabaho ako sa UniSea bilang Environmental Compliance Supervisor simula noong 2012, pero naghawak ako ng iba't iba pang trabaho sa Unalaska. Nakipagtrabaho ako sa Lungsod at sa Estado, IPHC at NMFS, at nagbuhat pa nga ng mga kahon noong mas kaya pa ng katawan ko. Mahigit 20 taon na akong nagmamay-ari ng bahay dito, at nagkaroon ako ng maliit na negosyo. Sa iba't ibang panahon sa huling dalawampung taon, nag-volunteer ako sa Unalaska Fire at EMS, sa Unalaska Community Broadcasting, at sa Unalaska Chamber of Commerce. Kasalukuyan akong nakaupo sa lupon para sa Aleutian Islands Waterways Safety Committee, sa Unalaska Fish and Game Advisory Committee, at sa Marine Conservation Alliance. Lahat ng karanasang ito ay nakatulong na humubog sa aking pagkakaunawa sa ating komunidad, sa kultura nito at sa kahalagahan ng mga tao nito.

Ang Unalaska ay isang maganda at dynamic na komunidad, ngunit maaaring maging isang mapaghamong lugar na titirhan: ang mataas na gastos sa pamumuhay, nagbabagong dynamics ng pangingisda, mga problema sa napapanahon at abot-kayang pagbiyahe at ang kawalan ng advanced na pangangalagang medikal ay ilan sa mga isyung kinahaharap natin araw-araw. Bilang isang residente at may-ari ng bahay, nagkaroon ako ng personal na karanasan sa mga hamong iyon at gusto kong tiyakin na hindi lilimitahan ng mga ito ang mga oportunidad ng Unalaska na mabuhay at umunlad. Ang huling ilang taon nang may pandemya at mga flight disruption ay naging napakahirap para sa lahat, at ang kamakailang pagsasara ng pangisdaan ng red king crab ay nangangahulugang kinahaharap ng komunidad na ito ang ilang mahihirap na desisyon tungkol sa kung paano pinakamahusay na magagamit ang natitirang kita nito. Gayunpaman, mahalagang magpanatili ng positibong diskarte sa potensyal ng lungsod na ito, kabilang ang pagpapaunlad ng Arctic para sa kalakalan at komersyo, mariculture at iba pang umuusbong na merkado.

Naihalal noong 2017, at naihalal muli noong 2018 sa Konseho ng Lungsod, nagsisikap akong maging maingat, mapagsaalang-alang at hindi pabago-bago sa aking paggawa ng desisyon. Ako ay likas na konserbatibo sa pananalapi, at naniniwala na dapat tayong gumawa ng mga balanse at may kaalamang desisyon tungkol sa kung paano tayo nagbibigay ng mga serbisyo at nagpopondo ng mga bagong pagpapaunlad. Pinahahalagahan ko ang pakikinig sa mga nasasakupan at naniniwala na ang pag-unawa sa mga pangangailangan ng stakeholder ay susi sa paggawa ng mabubuting desisyon para sa komunidad.

Mahilig ako sa pamamangka, pangingisda at pag-akyat ng bundok sa palibot ng isla, at mayroon akong labis na pagpapahalaga sa lahat ng inaalok sa atin ng ating kinalalagyan sa Aleutians. Iginagalang ko ang katutubong kultura, niyayakap ang ating makulay at samot-saring populasyon, at naniniwala sa responsableng pangangasiwa ng ating mga likas na yaman. Nakatali ako sa komunidad na ito at mayroon akong pananalig sa mga tao nito, at ikararangal ko na ipagpatuloy ang paglilingkod bilang inyong kinatawan sa Konseho ng Lungsod.

Statements were submitted by candidates and translated from English into Tagalog by a translation service.

2021 KUCB Voter Guide